Home Entertainment Yassi Pressman super enjoy sa Las Vegas, natupad ang pangarap na mapanood...

Yassi Pressman super enjoy sa Las Vegas, natupad ang pangarap na mapanood ng live si Justin Bieber

Living life to the fullest ang peg ng aktres na si Yassi Pressman sa Las vegas Nevada.

All over social media platforms ang pag-eenjoy ni Yassi at ng kapatid niyang si Issa sa bakasyon sa US.

Iba’t-ibang Hollywood celebrities ang nami-meet ni Yassi from Los Angeles California to Las Vegas Nevada.

Una niyang na-meet sa US ay ang NBA player na si Damian Lillard, na pinasalamatan niya sa donation nito para sa PGH.

Kasunod naman nito ay nagkita rin sila ni PacMan sa L.A at binigyan pa niya ito ng kanyang produkto.

At sa pagpapatuloy nga ng adventure ni Yassi sa ibang bansa ay makikitang enjoy na enjoy siya sa pagparty party.

Nameet din ni Yassi si Offset ang boyfriend ng sikat na RNB singer na si Cardi B.

C0’VID free na kasi sa Las Vegas kaya naman super gala ang peg ni Yassi kahit pa tila summer doon ngayon.

Pero ang isa sa pinaka na-enjoy ni Yassi ay ang pagkatupad ng matagal na niyang piapangarap

At ito ay ang mapanod niya ang live performance ni Justin Bieber.

Makikita sa pinost na video ni Yassi na tila emosyonal siya at hindi makapaniwala na nasa harapan lang niya si Justin Bieber.

At sobrang inenjoy nila ng kapatid niyang si Issa ang moment na iyon.