Home Entertainment Isa pang dalagang anak ni Jeric Raval na si Vanessa Raval agaw...

Isa pang dalagang anak ni Jeric Raval na si Vanessa Raval agaw atensyon din ngayon sa social media

Bukod kay AJ Raval, may isang anak din na dalaga si Jeric Raval na usap-usapan ngayon online.

Si Jeric Raval ay isa sa mga sikat at hinahangaang action star sa Philippine showbiz industry.

Siya ay unang nakilala sa kaniyang pagganap sa pelikula na ‘Sagot Ko Ang Buhay Mo’ noong taong 2000.

‘Bagansya’ noong 2001, at Angel de Guardia.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman nating lahat na mayroong mga nagagandahan at naggwapuhan na anak si Jeric mula sa kaniyang mga naka-relasyon noon.

Isa sa mga anak niya na sumunod sa kanyang yapak na pasukin ang industriya ng showbiz ay si AJ Raval.

Sikat na ngayon ang dalaga dahil sa kanyang mga daring roles, nabansagan na nga itong bagong pantasya ng bayan.

Ngunit bukod kay AJ, agaw atensyon din ngayon sa social media ang kanyang kapatid na si Vanessa.

Bukod sa hilig na pagpapatattoo sa kaniyang katawan, hilig din ni Vanessa ang pagti-TikTok. Sa katunayan nga nyan, siya ay makikita na kasama ang mga kapatid sa ama na sina Janina at AJ sa kaniyang mga TikTok videos.

Maging si Jeric mismo ay nakakasama niya din sa kaniyang mga videos.

Bagama’t hindi maikakaila ang ganda nito, iba sa Vanessa sa ibang mga kababaihan dahil iba ang hilig niya kaysa sa mga ito. Maliban sa hilig nito sa tattoo, hilig din ni Vanessa ang mga motor.

Astigin nga raw ang ganda ng anak na ito ni Jeric. Kahit hindi ito ang tipikal na babaeng nahihilig sa mga ‘dress’ o ‘high heels’, lutang pa rin ang ganda nito sa pagpapakita niya ng totoong personalidad.

Si Vanessa ay isa sa walong anak ng aktor sa dalawa nitong naging karelasyon.