Home Entertainment Danica Sotto naiyak sa post ni Pauleen Luna tungkol sa ama niyang...

Danica Sotto naiyak sa post ni Pauleen Luna tungkol sa ama niyang si Vic Sotto

Hindi napigilan ni Danica Sotto ang maging emosyonal nang mabasa niya ang post ni Pauleen Luna.

Kamakailan lang ay nagbahagi si Pauleen ng appreciation post para sa asawang si Vic Sotto.

I wish you can open my heart and see how much i love you. I don’t know if i say it out loud but you are the best part of my life and i wouldn’t have it any other way. Thank you for loving, caring and most especially treating me with respect. I love you soooo much” caption ni Pauleen sa kanyang post.

Kalakip nito ang larawan nilang mag-asawa.

Agad namang nagbigay ng reaksyon niya sa coomment section ang anak ni Vic kay Dina Bonnevie na si Danica Sotto.

”Bakit ako naiiyak? @pauleenlunasotto Hehehe” saad nito.

Marami namang netiezens ang nagsabing nkakatuwa daw ang closeness nina Pauleen at Danica.

Kaya ganun na lamang ang naging reaksyon ni Danica sa post ng asawa ng kanyang tatay.

Dama umano ni Danica ang tunay na pagmamahal ni Pauleen para sa kanyang ama.

Matatandaan sa nakalipas niyang panayam, ibinahagi ni Danica kung paano siya naging malapit kay Pauleen.

Siya at ang kapatid na si Oyo Sotto ay mga anak ni Vic sa dating asawa nito na si Dina Bonnevie.

Isa nga raw sa ikinatutuwa ni Danica ay ang magandang pag-aalaga ni Pauleen sa kanyang ama.

Noon pa man ay aminado si Danica na alinlangan siya na tanggapin si Pauleen bilang stepmother nila ni Oyo.

Pero nang makilala niya ito ng lubos ay agad silang nagkapalagayan ng loob.