Home Entertainment “Patay na patay po siya sakin”- AJ Raval, Inamin ang Totoong Feeling...

“Patay na patay po siya sakin”- AJ Raval, Inamin ang Totoong Feeling sa Co-Star na si Sean de Guzman!

Isa si AJ Raval sa mga pinakasikat na young stars ngayon sa social media. Ang 20-anyos na aktres ay anak ng action star na si Jeric Raval, kaya naman hindi na siya nahirapang makapasok sa industriya ng showbiz. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy na dumarami ang taga-hanga ni AJ sa social media.

Kaya naman maraming aktor ang nais ring makatrabaho ang budding star na ito sa pelikula. Isa sa mga recent leading men ni AJ ay ang talentadong aktor na si Sean de Guzman. Sila ang love interest ng pelikulang “Taya” mula sa Viva Films. Ang upcoming movie na ito ay idinirek ni Roman Perez Jr.

“Hindi dahil bilang mag-partner sa screen, bilang mag-partner talaga kapag walang kamera kasi nakikita silang nagkukulitan, nakakatawang panoorin. Nagbago mga itsura nila pati movement nila, naiba-iba kasi iba rin ang chemistry nila, iba rin ‘yung nabuong pagsasamahan ng Sean at AJ,” pahayag ni Direk Roman.

Maraming fans ang nakapansin na hindi maitatanggi ang chemistry ni AJ at Sean mapa on cam o off cam man. Ayon sa mga kasama nila sa set, talagang malapit ang dalawa sa isa’t-isa at kahit hindi na nagte-taping ay sila pa rin ang magkausap. Bago kasi sila naging magkatrabaho ay malapit na rin silang magkaibigan.

Sa isang virtual press conference, pabiro namang sinabi ni AJ na tila na-iinlove na sa kanya ang kanyang co-star: “Siya po, nai-in love na sa akin. Patay na patay po siya sa akin.” Tinawanan naman ito ni Sean de Guzman, at biniro niya si AJ na ito daw ang nagkakaroon na ng feeling sa kanya.

“Wala naman pong problema sa amin ni Sean as a love team, sobrang comfortable po kami at maituturing ko po siya na isa sa mga solid friends ko po. Kaibigan lang ang turing ko sayo Sean,” hirit pa ng aktres.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.