Home Entertainment Magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte may offer din umano mula sa...

Magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte may offer din umano mula sa GMA Network

Mukhang hindi pa tapos ang serye ng lipatan ng mga artista mula sa ABS-CBN papuntang GMA Network.

Muli kasing nabuhay ang usap-usapang lilipat na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Kapuso network

Matapos itong banggitin ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel.

Naging usap-usapan na kasi noon na tila nililigawan ng GMA7 ang real life couple para maging parte ng kanilang network. Balita pa noon, under negotiation na raw ito.

Pero kusa na lang nawala ang isyu at wala nang update tungkol doon.

Sey naman ni Ogie, kung ito man ay may katotohanan, may chance raw na pinayagan ng mga boss ng Kapamilya ang dalawa.

Giit pa nito, hindi naman daw porke lumipat ang dalawa ay wala nang utang na loob ang mga ito.

Hindi naman daw malalayo ang dalawa kung sakaling tuloy ang paglipat nito dahil nasa Kapuso na rin naman si Mr. M o Johnny Manahan na naging tatay-tatayan na rin nila sa ABS-CBN.

Samantala, sa ngayon ay abala sina Ronnie at Loisa sa paggawa ng vlog sa YouTube.

Kung saan ibinabahagi nila ang mga updates tungkol sa kanila.

Kamakailan nga lang ay ipinasilip ng magkasintahan ang man cave ni Ronnie.

Ayon kay Ronnie matagal daw niyang iniisip kung ano ang gagawin sa ekstrang espasyo sa kanilang bahay kaya naisip daw niyang gawing man cave ito.

Para may lugar siya na pwedeng mag hang out kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ibinahagi di ni Ronnie ang mala-arcade gaming machine na regalo sa kanya ni, Kris Aquino.