Home Entertainment Cassy Legaspi, Ibinuking ang Kanyang Ideal Man na Singer-Dancer! Si Darren Espanto...

Cassy Legaspi, Ibinuking ang Kanyang Ideal Man na Singer-Dancer! Si Darren Espanto nga ba ang Tinutukoy Niya?

May namamagitan nga ba kay Darren Espanto at Cassy Legaspi? Ito ang tanong na bumabagabag ngayon sa followers nila sa social media. Kamakailan lang, muling kinilig ang mga fans matapos ibahagi ni Cassy ang kanyang ideal man. Ayon sa mga fans sa social media, mukhang si Darren nga ang inilalarawan ni Cassy!

Habang kausap niya si Direk Cathy sa Kumu Live, ibinahagi ni Cassy na ang kanyang ideal guy ay “tisoy, singer-dancer, singkit, matangkad, seryoso, at palabiro.’ Inasar naman sila ng kanyang co-star na si Kyle Echarri, na tila ba alam kung ano ang totoong namamagitan kay Darren at Cassy.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Cassy na mayroong nagsurprise sa kanya noong Valentine’s day. Pinadalahan siya ng bouquet ng singer na si Darren Espanto. Labis naman ang kilig ng dalaga, ngunit sa kanyang nagdaang interview, iginiit ni Cassy na sa ngayon ay malapit na magkaibigan lang sila ni Darren.

Bukod sa flowers, nagpadala rin ng boxes of pizza si Darren para sa pamilya ni Cassy. Gayunpaman, hindi pa rin mapigilang malungkot ni Zoren dahil nangangahulugan nga ito na dalaga na ang kanyang anak.

Sa IG story ni Cassy, makikitang masaya ang kanyang mommy at si Mavy habang hindi naman nakatingin sa camera ang kanyang daddy.

Matagal ng napapabalita na mayroong namamagitan kay Darren at Cassy. Madalas ring nakikita ang dalawa na magkasama sa publiko, kung kaya’t umugong ang bali-balitang may namumuong pagtitinginan sa dalawa. Sa kabila ng lahat, mukhang hindi pa ready si Cassy na sumabak sa seryosong relasyon.

Sa kabilang banda, dati na ring natanong si Darren kung dine-date niya ba si Cassy. Sa kanyang interview kay Boy Abunda, idineny ni Darren na mayroong namamagitan sa kanila.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.