Home Entertainment Ogie Diaz may ibinulgar ukol sa tunay na relasyon nina Ivana Alawi...

Ogie Diaz may ibinulgar ukol sa tunay na relasyon nina Ivana Alawi at Dan Fernandez

Sa kanyang latest vlog sa Showbiz Update, tinalakay ni Ogie Diaz ang tungkol kina Ivana Alawi at Dan Fernandez.

v

Matagal ng usap-usapan na may relasyon umano si Ivana sa dating aktor at ngayon ay politician na na si Dan.

Ilang blind item na din ang bumida ang dalawa dahil ilang pagkakataon na na namataan silang magkasama.

Ngunit magpasa hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina Dan at Ivana ukol dito.

Kaya naman sa vlog ni Ogie Diaz ay bigla na lamang napag-usapan ang tunay na estado ng rumored couple.

Unang binanggit ni Ogie ay si Daniel Matsunaga na kamakailan lang ay nakasama ni Ivana sa isang endorsement.

Ngunit bigla na lamang naipasok ni Tita Jegs ang tungkol kay Dan Fernandez.

Hindi man diretsahang sinabi ni Ogie na may kaugnayan si Dan sa sikat na vlogger ay ibinahagi naman niya ang kanyang mga narinig.

Aniya sa kanyang mga nakalap ay may relasyon umano talaga sina Dan at Ivana. Nilinaw din niya na hindi niya alam kung hanggang ngayon ay sila pa.

Saad ni Ogie, “Nabalitaan ko nga, sila, naging sila, or hanggang ngayon sila pa rin at lihim lang.” “Kung gusto man nilang itago iyan, eh hayaan natin sila.”

“Baka gusto lang nila maging pribado yung kanilang relasyon.” “Pero iyon din yung nabalitaan ko.”

Sinabi din nito na kung ayaw nina Dan at Ivana na isapubliko ang kanilang relasyon ay desisyon na nila iyon.

Samantala, narito naman ang ilang komento ng netizens ukol dito:

“Si Dan Fernandez ang dyowa ni Ivana according kay Cristy Fermin.”

“Sana f me iba pang manlikigaw kay Ivana na mas ok Pa sana huag n lng si DM”

“Tagal na niyan kay Ivana at Dan Fernandez ayaw pa umamin”

Narito ang kabuuan ng video: