Home Entertainment DJ Loonyo, Umalma Sa Fake News Na Pahayag Niya Patungkol Sa Pagkapanalo...

DJ Loonyo, Umalma Sa Fake News Na Pahayag Niya Patungkol Sa Pagkapanalo Ni Hidilyn Diaz

Pumalag ang internet sensation at Youtube vlogger na si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa totoong buhay matapos kumalat ang “Fake News” niyang pahayag ukol sa pagkapanalo ng gold medal ni Hidilyn Diaz sa #Tokyo2020 Olympics.

Isang Facebook page na may pangalang “Bakkler’ ay nagpost ng isang material kung saan tinawag di umano ni Loonyo na “toxic” si Hidilyn dahil sa kaniyang pagtamasa ng mga gantimpala matapos niyang masungkit ang medalya.

“CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO. PEOPLE NOWADAYS NGA NAMAN, MAS PIPILIIN ANG EASY MONEY KAYSA MAGTRABAHO NANG MARANGAL. YUNG IBA DYAN KAYOD-KALABAW TAPOS IKAW UMAASA LANG SA BIGAY?”

Agad namang nakarating sa vlogger ang balitang ito at nagbigay naman siya ng pahayag sa kaniyang Facebook page upang pabulaanan ang lahat.

Ayon sa internet star, “Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA)

“HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY!

“ANG TANONG SINO BA TALAGA ANG “BOBO”?

Nagbigay babala rin siya sa mga netizens na agad-agad naniniwala sa mga nakikita nila sa social media.

“Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng “BOBO” “BOGO”, kala mo talaga kung sino. Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo..”

Taliwas sa kumakalat na maling balita ay iginiit ni Loonyo na proud na proud siya sa achievement ng ating kababayan.

“PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSA.

“IDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!