Home Entertainment Tahanan ni Donya Maria Hoffs sa Cebu City, dinayo ng ilang netizens...

Tahanan ni Donya Maria Hoffs sa Cebu City, dinayo ng ilang netizens para makapagpa-picture

Naging instant tourist attraction ang bahay ng tinaguriang ‘Donya ng Cebu’ na si Maria Hoffs matapos mag viral ang video niya kung saan ay makikita siya habang nakikipagtalo sa isang food supplier na sinisingil siya sa gitna pa ng kanyang party.

Dahil sa makikita sa live video ang bahay ni Maria ay dinayo ito ng ilang netizens para hindi palampasin ang pagkakataon na makita ang pinakasikat ngayong bahay sa Cebu.

Sa mga litrato ay makikita na tuwang tuwa ang mga tao dahil nakita nila ng personal ang viral na bahay.

May isang grupo pa ng mga riders ang hindi napigilan na mag stop over sa bahay ni Donya Maria.

May ilan din naman na hindi makapunta sa bahay ni Maria kaya naman ay nag edit nalang sila ng litrato nila.

Kahit mismong si Maria ay inamin na naging sikat ang kanyang tahanan sa mga tao matapos ang isyu.Ayon sa kanya ay hindi na sila makatulog dahil sa pagdagsa ng tao sa kanilang bahay.

“Mao ni ang karsada nga perti ka famous kaayo karon, nga nakadisturbo ni namo, nga instant tourist attraction, nga dili na gyod mi katalug kay maglabay-labay diri bahisbahis, magsyagetsyaget. Hain na among proteksyon karon?” ani Maria.

Hindi naman malaman kung gagawa ba siya ng paraan para mapigilan ang mga turista sa pagpunta sa kanyang bahay.

Matatandaan na nagbanta ng legal na aksyon si Maria sa mga taong bumabatikos sa kanila sa social media.

“We have a law. This is not a joke, there is a constitution. I am the victim, I am the victim, alright, so I strongly advised the netizens who are listening now be responsible of using your social media if you don’t want trouble, because there’s a law and you will be prosecuted,” ani Hofs.