Home Entertainment Biglang pinatigil ang eroplano matapos makita ang itinatago ng flight attendant sa...

Biglang pinatigil ang eroplano matapos makita ang itinatago ng flight attendant sa kanyang suitcase

Masasabing hindi safe ang buong mundo sa panahon ngayon. May masamang bagay na pwedeng mangyari sa lahat ng oras.

Kung hindi tayo magiging maingat at sigurista, maaari tayong mabiktima ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Kaya naman lahat ng lugar saan ka man magpunta ay may kani-kaniyang safety regulations na ipinapatupad upang maprotekatahan ang seguridad ng bawat isa.

Lalo na sa mga airport o paliparan kung saan iba’t ibang tao ang labas pasok dito. Ngunit may mga pagkakataon na mimsong mga airline personnel pa ang sumusuway sa kanilang mga regulations.

Isa na sa kanila ay ang flight attendant na ito na huli sa akto sa kanyang ilegal na gawain.

Isang Indian flight attendant ang nawalan ng trabaho at naaresto pa matapos gawin ang isang iulegal na bagay sa flight.

Ayon sa mga reports, kinilala ang suspek na si Devshi Kulshreshtha na nagta-trabaho bilang flight attendant sa Jet Airways. Noong mga panahong iyon, ang kanilang travel path ay mula Delhi papuntang Hong Kong.

Ang kaganapan ay naging sanhi ng pagka delay ng naturang flight matapos malaman ng mga opisyales na mayroon palang tinatago ang flight attendant.

Pansamantala nilang hininto ang flight nang mapag-alaman na tinangka pala ni Devshi na magpuslit ng pera papuntang Hong Kong.

Hindi inaasahan ng mag opisyales ang natuklasan dahil emopleyado mismo sa naturang airline ang flight attendant.

Limpak limpak na salapi ang nakumpiska nila mula sa gamit ng Devshi. Sa isang video, makikitang binibilang rin nila ang tig £100 bills na itinago nito sa foil.

Ayon sa mga imbestigasyon, mahigit sa $500,000 o mahigit 24 million pesos ang sinubukang ipuslit ni Devshi.

Sa imbestigasyon ng mga Directorate of Revenue Intelligence (DRI) officials, may kasabwat si Devshi sa pagta-traffic ng ganito kalaking halaga. Isa na rito ang New Delhi resident na si Amit Malhotra, na nagi-smuggle ng pera palabas ng India.

Agad namang inaresto ang 25-anyos na flight attendant matapos ang pangyayari. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis at ng opisyales ng airline upang matukoy kung may iba pang crew members ng Jet Airways ang kasabwat sa modus gaya nito.

Ang mga ipinapatupad na regulations na ito ay masusing pinagaralan upang mapanatili ang seguridad ng mga tao. Kaya naman kung sino man ang lalabag ay siguradong mapaparusahan.

Ano pong masasabi niyo tungkol dito? Sa inyong palagay ay marami pang ganitong ilegal na gawain ang nangyayari sa mga airlines?