Home Entertainment Mariel Padilla, Nanindigang Hihiwalayan Ang Asawang Si Robin Kapag Nangbabae Ito!

Mariel Padilla, Nanindigang Hihiwalayan Ang Asawang Si Robin Kapag Nangbabae Ito!

Binigyan ng pagkakataon ni Mariel Padilla ang kaniyang asawang si Robin na klaruhin ang kaniyang pahayag ukol sa tukso at pangbabae sa vlog ni Ogie Diaz kung saan ibinunyag niya na hiwalay na ang kaniyang anak na si Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica dahil sa third party.

Sa bagong vlog na inupload ng aktres ay muli niyang tinanong ang kontrobersyal na pahayag ni Robin ukol sa pangangalunya.

“Kasi sa panahon ngayon, huwag na tayong maglokohan. Panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

Paglilinaw ni Robin, “Ako ay nagsasalita sa aking experience. Experience ‘yon nung ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan,”

Bumwelta rin siya sa mga nambabatikos sa kaniya, “Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it. Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo ‘yung interview,” saad ni Robin. “’Yung iba dun lang sa caption, binanatan na ‘ko nang sobra-sobra.”

Dagdag pa niya, “Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na ‘yon, di ba? Hindi porke’t sinabi na natukso ka, e, may ginawa ka na. Ang sama naman mag-isip ng mga ‘yon. Napaka… masyado ka nang forward,”

Humirit pa si Robin na minsan day ay pinapayagan siya ni Mariel na tumingin sa ibang mga babae lalo na kung nasa ibang bansa sila.

Buwelta ng aktres, “Hindi ako pumapayag. Never ako pumayag,”

Sabi naman ni Robin ay wala rin daw siyang balak ipagmayabang ang kaniyang nakaraan sa mga babae.

“Kasi, hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal. Ang pagiging loyal ay ginagawa, hindi ‘yun sinasabi. Pagka masyado kang talkies, baka kulang sa walkies. Ang tukso sa atin ay realidad,” pahayag nito.

Ayon pa sa aktor, “Huwag tayong masyadong defensive. Huwag tayong masyadong feeling guwapo. Kasi ‘pag masyado tayong feeling guwapo na, ‘Di. Kaya ko ‘yung mga temptasyon. Di. Kaya ko ‘yon,’ delikado ‘yon.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!