Home Entertainment Viral na ReiNanay Contestant na si Marilyn Lagsa Bumwelta Kay Ruffa Gutierrez...

Viral na ReiNanay Contestant na si Marilyn Lagsa Bumwelta Kay Ruffa Gutierrez Dahil Umano sa Komento ni Ruffa na ito…

Naglabas na ng kanyang saloobin ang isang Reinanay Contestant sa Its Showtime na si Marilyn Lagsa matapos itong umani ng pambabatikos. It…

Naglabas na ng kanyang saloobin ang isang Reinanay Contestant sa Its Showtime na si Marilyn Lagsa matapos itong umani ng pambabatikos.

Ito ay matapos ibinunyag ng ina ni Lagsa sa nasabing show ang umanoy hindi niya pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak ng 10 years na iniwan lang sa kanyang ina.

Ito ang naging pahayag ni Ruffa sa nasabing contestant nang mahingan si Ruffa ng komento sa nasabing contestant ay di niya mapigilang pagsabihan ito.

“Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs. na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo,”

Matapos ang ilang araw sa episode na iyon, naglabas ng pahayag si Marilyn. Ito ay dahil sumama daw ang loob niya sa isang judge na pinahiya siya.

Saad ni Marilyn,

“May isang judges na hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako! Sana nu’ng time na po na ‘yun, naisip din niya na naka-live po kami. ‘Di rin marunong mag-isip ‘yung judges ho na ‘yun!”

Bagamat hindi man niya ito pinangalanan ay halatang si Ruffa Gutierrez ang kanyang pinatamaan.

Panoorin dito ang pahayag ni Lagsa.