Home Entertainment Brenda Mage naglabas ng sama ng loob kay Bea Alonzo dahil sa...

Brenda Mage naglabas ng sama ng loob kay Bea Alonzo dahil sa pagkatalo niya noon sa “Miss Q and A”

Muling nagkaharap ang komedyanteng si Brenda Mage at ang Kapuso actress na ngayon na si Bea Alonzo.

Parehong naging guest sa Kapuso show na The Boobay And Tekla Show (TBATS) na umere noong Linggo, September 12, 2021 sina Brenda at Bea.

At dito ay hindi pinalagpas ng komedyante ang pagkakataon para makompronta niya ang aktres. Sa noo’y pagkatalo niya sa “Miss Q and A” ng It’s Showtime.

Sa nasabing show, kay Bea talaga naka focus ang mga tanong. Inusisa ng mga host ang tungkol sa personal na buhay ng aktres.

Ngunit sa isang parte, ay biglang iniba ni Brenda ang usapan. Dahil aniya nais daw niyang maglabas ng sama ng loob kay Bea.

Nangyari daw ito noong pareho pa silang nasa bakuran ng Kapamilya Network.

Pabirong tanong ni Brenda kay Bea kung may kinalaman daw ba ang aktres sa pagkatalo niya sa “Miss Q and A” dalawang taon na ang nakalilipas?

Ani Brenda, “May tanong lang ako. Maiba naman tayo. Kasi natalo ako dati sa ‘Miss Q and A,’ siya yung isa sa judge, ikaw ba yung nag…?”

Dagdag biro pa ng komedyante, “Hanggang ngayon hindi ako maka-move on kasi…”

Halata namang nabigla si Bea sa hindi inaasahang tanong na iyon ni Brenda sa kanya. Kaya naman napahagalpak ng tawa ang aktres.

“May sama ng loob nung nasa kabila siya,” biglang hirit naman ni Boobay. “Siya ba yung judge noon?” panggagatong pa ni Tekla.

“Isa siya [Bea] sa mga judge at parang nakita ko talaga yung score niya, parang ‘zero’ ang nilagay.

“Parang until now, parang gusto kong bugbugin si Dominic [Roque] talaga,” pagtukoy ni Brenda sa boyfriend ni Bea.

Natatawang naisagot na lamang ni Bea, “Ah, e” at napuno na ng tawanan ang buong studio.

Panoorin dito ang nasabing episode: