Home Entertainment Derek Ramsay at Ellen Adarna,Viral ang Naging Reaksiyon sa Tambalan nina John...

Derek Ramsay at Ellen Adarna,Viral ang Naging Reaksiyon sa Tambalan nina John Lloyd at Andrea Torres…

Mainit na pinag-uusapan ngayon online ang pagiging Kapuso umano ni John Lloyd Cruz. Ayon sa naging post ni Lolit Solis sa kanyang Instagra…

Mainit na pinag-uusapan ngayon online ang pagiging Kapuso umano ni John Lloyd Cruz.

Ayon sa naging post ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account ay kinukuha umano ang dalawang alaga niyang sina Benjie Paras at Sandy Andolong para sa sitcom na gagawin ni Lloydie sa Kapuso network.

Dagdag pa nito ay kinukuha rin daw si Andrea Torres para maging partner ng dating Kapamilya actor.

Lalong nagtrending naman online ang usap-usapan ng pagtatambal nina Andrea Torres at John Lloyd Cruz.

Si Andrea ay ex-girlifriend ni Derek, habang si John Lloyd ay ex-boyfriend naman ni Ellen. Kaya naman mainit na pinag-uusapan sila ngayon ng netizens.

Nagbigay naman ng reaksyon sina Derek at Ellen tungkol sa bagay na ito at sinagot ang ilang mga katanungan kaugnay sa tambalang Lloydie at Andrea.

Positibo naman ang naging reaksiyon nina Derek at Ellen nang tanungin sila tungkol sa posibleng pagsasama sa isang Kapuso project ng kanilang exes.

Ayon sa panayam ay ito ang naging sagot nina Derek at Ellen.

“Good for them. More blessings, more fun,” nakangiting sagot ni Ellen.

“That’s true! Congratulations,” tugon naman ni Derek.

“I mean, may project sila together. Maganda ang sitcom kasi it spreads good vibes. So, wala naman akong ano. Congrats!” saad pa ni Derek

Ayon kay Ellen, okay naman sila ni John Lloyd. Nag-uusap daw silang dalawa tungkol sa anak nilang si Elias, pero hanggang doon lang.

Sa ngayon, naka-focus muna sina Derek at Ellen sa wedding preparations na nakatakda bago matapos ang taong ito.