Home Entertainment Binansagang Badjao Girl na si Rita Gaviola nagbabalak sumali sa Miss Universe...

Binansagang Badjao Girl na si Rita Gaviola nagbabalak sumali sa Miss Universe soon

Namangha ang mga netizens sa mala-beauty queen na aura ngayon ng dating internet sensation na si Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Rita ang isang litrato kung saan makikitang nakaayos ito. Dito, sinabi niya na sasali siya sa itinuturing na isa sa pinakamalaking pageants sa buong mundo.

“Soon sasali na tayo sa Miss U,” saad ni Rita sa caption ng kanyang post.

Sa sumunod niyang post ibinahagi ni Rita ang isang larawan kung saan makikitang super naka-make up siya at tila rumampa sa isang fashion event o photo shoot.

Saad pa ng dalaga sa kanyang caption, “Beauty is not flawless it shines even though your flaws, #miss u universe soon”

Sunud-sunod naman ang mga positibong komento mula sa kanyang followers. At nagpahayag ng suporta sa balak niyang pagsali sa pinakamalaking national pageant sa bansa.

Ngunit may mangilan-ngilan din na pinayuhan ang dalaga na tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral.

Taong 2016 nang naging matunog ang pangalan ni Badjao Girl. Matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother.

Nakilala ang dalaga matapos masilaya ang kanyang ganda sa kalsada ng Lucban, Quezon noong ginaganap ang Pahiyas Festival.

Sa ilan pang Instagram post ni Badjao Girl ay makikita na napakalaki na talaga ng kanyang pagbabago. May ilan pa ngang nagbalik tanaw sa itsura niya noon at ikinumpara sa datingan niya ngayon.