Home Entertainment Julia Barretto prangkang sinagot na wala siyang dapat ihingi ng sorry kahit...

Julia Barretto prangkang sinagot na wala siyang dapat ihingi ng sorry kahit kanino man

Diretsong “wala” ang sagot ng aktres na si Julia Barretto sa tanong kung may pinagkakautangan ba siya ng “sorry.”

Naging guest si Julia Barretto kasama si Marco Gumabao sa vlog ng kaibigan nilang si Joe Bianx. Si Marco ang leading man ngayon ni Julia sa serye sa TV 5 na “Di Na Muli.”

Kumasa ang dalawa sa question and answer challenge. Kapag hindi nasagot ang mga itatanong ni Joe ay kailangan nilang kumain ng sili bilang punishment.

Unang naitanong kay Julia kung sino sa mga nakatambal niya ang nais niyang makasama muli sa isang proyekto.

“Hindi naman mahirap sagutin iyan. Siyempre, I wanna do another film with Gerald,” sagot ng aktres. Ang magiging title raw nito ay “Between Maybes Part 2.”

Ang “Between Maybes” ang pinagsamahang pelikula nina Julia at Gerald. At ito din ang nag-ugat ng isyu noon sa dalawa. Na siya ring itinurong dahilan ng hiwalayan noon nina Gerald at Bea Alonzo.

Si Julia ang itinurong third party noon ngunit mariing itinanggi ito ng dalawa. Makalipas naman ang dalawang taon ay inamin na ni Gerald sa publiko ang relasyon niya kay Julia.

Sumunod naman na tanong kay Julia at Marco ay kung may pinagsisihan ba silang nagawa nila sa kanilang buhay.

Sagot ng aktres, “Wala. Siguro yung maliit na bagay, ‘Ah, bakit hindi ako naglinis today ng kuwarto?’ Yung pag-uwi mo, ‘Ay, kalat.’’

Wala rin daw siyang “major” na pinagsisisihan sa mga naging desisyon niya sa kanyang buhay.

Ang isa pang nakakaintrigang tanong ni Joe kay Julia at Marco kung may tao ba silang pinagkakautangan ng sorry?

“Wow!” ang tila nagulat na reaksyon ni Julia saka nag-isip ng isasagot. “Wala,” sagot uli ng aktres.

Sa huli, binigyan na lang ni Marco ng sili ang kaibigan dahil hindi nito nasagot ang kanilang tanong.