Home Entertainment Kapatid ng komedyanang si Mahal na si Irene Tesorero may hinaing dahil...

Kapatid ng komedyanang si Mahal na si Irene Tesorero may hinaing dahil sa naging samaan nila ng loob ng kapatid

Nagbigay na ng kanyang pahayag ang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero tungkol sa nararamdaman niya sa pagkawala ng komedyana.

Sa kanyang panayam sa digital talk show ni Boy Abunda nagbigay pasasalamat si Irene na nakabase na sa Cleveland, Ohio, sa mga nakiramay sa kanilang pamilya.

“Parang ang mundo, lumiit para sa kaniya. Nagsama-sama. Maraming salamat sa kanila,” saad ni Irene.

Ibinahagi din nito na mabigat ang kanyang nadarama ngayon dahil sa naging pagtatalo nila ni Mahal. Isang linggo bago ito mamaalam.

“Ito ang pinaka masakit sa lahat, Yung last naming nagkausap, a week before siya nagkasakit, nagkatampuhan kami. Kasi na’ma’tay na si Papa. Sabi ko sa kaniya, ‘Umuwi ka muna, mag-grieve ka muna kay Papa. Kailangan mo ‘yan, e.,” pagbabahagi ni Irene.

Naninirahan kasi si Mahal sa Batangas kasama ang kanyang “special friend” na si Mygz Molino. Ibinahagi din ni Irene na nagtalo pa sila ni Mahal at ito daw ay kanyang labis na pinagsisihan.

“Sana wala na lang ako sinabi, hinayaan ko na lang. Maybe ‘yung bigat na nararamdaman ko, hindi sana ganito. Kasi minahal ko ‘yan,” paglalahad nito.

Sinabi naman ni Irene na hindi si Mygz ang dahilan ng kanilang pagtatalo. Nagpapasalamat pa nga siya sa binata dahil sa pag-aalaga nito kay Mahal.

“‘Yung pag-aalaga niya, OK naman. Kasi ‘yung ibang mga boyfriend ni Mahal, hindi ganiyan ang trato kay Mahal. Si Mygz, talagang binigyan niya ng special treatment si Mahal, kaya OK ako sa kaniya,” saad ni Irene.

Ibinahagi naman ni Irene ang panalangin niya sa ngayon, “Sana bigyan ako ng kapanatagan ng loob na tanggap ‘yung wala na sila”

Panoorin dito ang naging panayam niya kay Boy Abunda: