Home Entertainment Yen Santos may misteryosong move na naman, binura ang lahat ng kanyang...

Yen Santos may misteryosong move na naman, binura ang lahat ng kanyang post sa Instagram

Ginulat ni Yen Santos ang mga netizens ng burahin nito ang lahat ng larawan na nakapost sa kanyang Instagram account.

Ngayong Huwebes, September 23, nabigla ang mga fans ni Yen Santos ng bisitahin nila ang IG account nito.

Kaya naman ipinagtataka ngayon ng marami ang mysterious move na ito ng aktres. Naipost pa nga ito sa isang entertainment site. Na agad umani ng samu’t-saring komento.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:

“Di kinaya ni Ate lahat ng bashing. I’m thinking nagsisisi na sya sa mga ginawa nya.”

Affected much na Girl? No worry marami ka pang pictures sa google. Lol”

“Still curious anong meron sa kanya bakit ang problematic nya pumili ng jowa? Di sya artistahin levels pero maganda naman sya kung sa ordinaryong tao.”

“Di nalang nag deactivate. Gusto ata din talaga pag usapan eh.”

“Pwede kasi gamitin as reference sa mga resibo. Wala na tuloy tayo magagamit na ebidensya.”

Matatandaan na naging mainit na usapin si Yen nitong mga nagdaang linggo. Siya kasi ang tinuturong dahilan sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Ilang larawan at video nila ni Paolo ang nag viral online kung saan makikitang malambing silang magkasama sa Baguio.

Nagbigay naman ng pahayag si Paolo ukol dito at sinabing pumunta lang sila sa Baguio ni Yen “as a friend.”

Ngunit magmula pa noon ay pinuputakte na si Yen ng mga bashers. Na hindi matanggap ang pagkasira ng relasyon nina LJ at Paolo.