Home Entertainment Diego Loyzaga nagsosorry agad sa nobyang si Barbie Imperial tuwing may ginagampanang...

Diego Loyzaga nagsosorry agad sa nobyang si Barbie Imperial tuwing may ginagampanang intimate scene

Ibinahagi ni Diego Loyzaga ang respetong ibinibigay niya sa nobyang si Barbie Imperial tuwing may kakaiba siyang role.

Sa press con ng pelikula nilang Bekis on the Run kasama sina Christian Bables, at Kylie Verzosa ay nakapanayam ng press people si Diego.

Dito ay inilahad niya ang pagiging open niya sa kanyang girlfriend na si Barbie tuwing may mga intimate scene siyang ginagampanan.

Sa nasabing pelikula ay may mga extra scene umanong ibinigay sa kanilan ang direktor na si Joel Lamangan.

Ibig sabihin nito ay may mga scene na ipinapagawa sa kanila kahit wala ito sa script ng pelikula. Tulad na lamang ng kissing scenes.

Sa part ng leading lady na si Kylie pinaguusapan nila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca ang mga detalye ng respective projects nila para hindi nagkakagulatan pag pinanood na.

Nang si Diego naman ang natanong tungkol dito ay ganun din daw ang ginagawa nila ni Barbie. Pero hindi sila ang tulad ng ibang celebrity couple na walang pakealamn pagdating sa trabaho.

Ani Diego, “No, imposibleng walang pakialaman…imposible ’yon.Although Barbie is an artista, she’s still my partner, my lover, so it’s impossible to say that even if I tell her before or prior to shooting na, ‘Baby may ganito,’ she’s not gonna feel it? Of course, she’s gonna feel something when she sees it. But doon lang pumapasok ’yong understanding na she is in the same business. So, alam niyang work lang.”

Pero alam daw niyang may awkward moments sa tuwing mapapanood ito ng kanyang kasintahan. Kaya naman mas ginusto nilang ‘wag na lamang panoorin ang pelikula ng bawat isa.

Nanghihingi din siya ng paumanhin sa aktres tuwing may mga intimate scene siyang ginagawa sa pelikula.