Home Entertainment Simple pero eleganteng OOTD ni LJ Reyes sa Manhattan New York umabot...

Simple pero eleganteng OOTD ni LJ Reyes sa Manhattan New York umabot sa mahigit isang daang libong piso ang presyo

Living life to the fullest ang peg ng Kapuso actress na si LJ Reyes habang namamalagi sa New York City.

Dalawang linggo na nga ang nakakalipas ay namataan si LJ na umattend sa New York Fashion Week. Kung saan nagkaroon siya ng chance na makita ang international model na si Gigi Hadid.

Slaying naman ang get up ni LJ ng umawra din siya ng mga posing sa nasabing event. Suot ang all black na outfit na tinernuhan pa ng ebony pumps at edgy pleather pants.

Ngunit tila umpisa lamang ito ng mga bonggang style na OOTD ni LJ. Na looking fresh kahit fresh from break up with Paolo Contis.

Pero hindi lamang ang kanyang new hairdo na bagay na bagay sa kanya ang napansin ng mga netizens.

Kundi pati na rin ang napaka eleganteng kasuootan niya. Ang pastel old rose color terno trousers OOTD ng aktres ay kitang kitang napaka kumportableng kasuotan.

Pinarisan pa niya ito ng Chanel Slingbacks, at Chloé Mini Drew shoulder bag.

Ang Chloé Mini Drew ay nagakahalaga ng $1481 or P74,176. Ang Chanel Slingbacks naman ay may presyong $925 or P46,329.

Sa makatuwin sa bag at sapatos pa lang na suot ng aktres ay umaabot na sa P120,505 ang halaga.

Napaka bongga di ba?