Home Entertainment Pagkain na inorder ni Dennis Trillo para sa nobyang si Jennylyn Mercado...

Pagkain na inorder ni Dennis Trillo para sa nobyang si Jennylyn Mercado may bubog

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang masamang karanasan niya. Nang orderan niya ng pagkain ang kasintahang si Jennylyn Mercado.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Dennis ang isang video. Na naglalahad ng pagkadismaya niya sa inorderan niya ng pagkain.

Ayon kay Dennis may nakita silang bubog sa pagkain na binili niya para sa kanyang nobya.

Saad ni Dennins sa kanyang caption, “Ayaw ko lang na mangyare pa sa iba ito…Since wala kayong contact number, at hindi kayo nag rereply sa IG message ko, Baka sakaling makarating na sa inyo ito… 24/7 SUPER HEALTHY Marikina Heights branch. Nag order ako kagabi para kay Jen around 6pm, ito ang nangyare. Bakit may BUBOG sa pagkain niya????”

Makikita sa video na nasa palad ni Dennis ang maliliit na bubog na natagpuan nila sa pagkain. Maririnig naman sa background na sinasabi ni Jennylyn, “buti hindi ko nalunok.”

Sa comment section ng post ng aktor ay agad namang nag alala ang ilan sa mga kaibigan nila sa industriya.

Komento nga ni JayR “Yo thats f*cked up. Buti hindi nya nalunok.”

Napamura naman sa pagklabigla si Jerald Napoles, saad nito , “Ay pucha!!!”

Komento naman ng isang follower ni Dennis, “i-media nyo po para umabot sa concern branch, since di naman sila nagrereply sa msg nyo. Thanks God at di nakain ni Jen. Pano kung mangyari sa iba?”

“Bakit may bubog delikado yan kapag nakain ni Miss Jen,” pahayag naman ng isa pa nilang supporter.

Marami rin ang nagalit at sinabing hindi akma ang pangalan ng inorderan ni Dennis na “SUPER HEALTHY” sa natanggap nilang pagkain.