Home Entertainment Robin Padilla sinuportahan si Aljur Abrenica, tinulungan mag-promote ng bago nitong show

Robin Padilla sinuportahan si Aljur Abrenica, tinulungan mag-promote ng bago nitong show

Kahit hiwalay na sa anak na si Kylie Padilla, Robin Padilla suportado pa din si Aljur Abrenica.

Sa kanyang Facebook post kamakailan, tinulungan ni Robin si Aljur na ipromote ang bago nitong show.

Ipinost ni Robin sa kanyang Facebook account, “Mabuhay Mga kababayan! Abangan n’yo po ang Eskapo starring Aljur Abrenica sa September 25 5PM-6PM sa Magandang Gabi Pilipinas in PTV 4.”

Kalakip ng post ang teaser ng suspense-drama documentary na idinirek ni Cesar Soriano.

Nag-react tuloy ang netizens at pinaglaruan nila ang pag-promote ni Robin sa project ng kanyang manugang.

May mga nag-suggest na magsama sina Robin at Aljur sa pelikula, iyong mala-Mistah. May humirit pa na isama sa project si Rustom Padilla.

Dawit din siyempre ang asawa ni Aljur na si Kylie Padilla. May nagtanong kung iyon ba ang ESKAPO ni Aljur kay Kylie.

Meron ding humirit, “Eskapo sa Pamilya! Part 1.” “Kylie has left the group,” pagbibiro pa ng isang netizen.

Saad naman ng ilan siguro kaya naman na-promote ito ni Robin ay dahil sa PTV 4 ito na government station. O maaring kaibigan niya ang direktor nito.

Sinabi naman noon ng aktor na gusto naman niyang magkaayos silang mag-asawa at sana ay muli silang mabuo bago mag-Pasko.

Narito ang ilan pa sa komento ng netizens:

“Gs2 ko idol sana bmlik kna ulit sa aksiyon mag ksama kyo ni aljur abrenica”

“Ganitong pelikula Sana gawin mo idol, kaya mo PA Naman siguro makipag sabayan, matikas ka PA din kaya mo Yan idol”

“Idol kahit Hiwalay na si kylie at aljur sinusuportahan mo siya”

“Galing ng manugang mo idol, manang mana sayo! Chick boy”

Matatandaan noong Hulyo 7, kinumpirma ni Robin sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na hiwalay na sina Aljur at Kylie dahil sa merong third party.