Home Entertainment May parating nang baby? Dennis Trillo namanhikan na ‘daw’ sa pamilya ni...

May parating nang baby? Dennis Trillo namanhikan na ‘daw’ sa pamilya ni Jennelyn Mercado?

Ano ang bago sa long time celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennelyn Mercado?

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang Kapuso actress na si Jennelyn hindi lang dahil sa bagong teleserye nito kasama si Xian Lim.

Kundi dahil din sa nakakabiglang pagdating ng isang ambulansya sa kanilang lock-in taping ng “Love. D!e. Repeat” at sinundo di umano ang aktres dahil sa isang emerg3ncy.

Lumabas din ang pangalan ni Jennelyn sa mga bl!nd item tungkol sa isang aktres na buntis di umano at nagkaroon ng pagdur’ug0 sa isang lock-in taping.

Kasunod nito ang balitang papalitan na di umano ang aktres sa main character ng teleseryeng ito. Ngunit nagdesisyon ang management na antayin na lamang ang pagbabalik ni Jennelyn.

Lalo naman nagka ideya ang mga netizens na totoo nga ang balita dahil sa isang post ni Jennelyn na nakatag ang isang maternity clothing brand. Ang naturang post ay tungkol sa kanyang pasasalamat sa event stylist na si Gideon Hermosa para sa kanilang bagong Christmas Tree.

Marami tuloy ang nagsasabing unti-unti nang pinapaalam ni Jen ang magandang balita. Marami naring fans ang excited para sa magiging announcement ng aktres at ng longtime partner nitong si Dennis Trillo.

Makalipas kasi ng issue na ito, may kumalat na rin na balita na namahinkan na di umano si Dennis sa pamilya ng nobya.

Isinulat rin ito ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram account.

“Kung totoo iyong nabalita at nabasa ko na namanhikan na ang parents ni Dennis Trillo kila Jennylyn Mercado, ang saya.”

“Hindi naman siguro gugustuhin ni Jennylyn na sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin sa tabi niya ang lalaking mahal niya para makasama sa exciting stage ng buhay niya bilang babae.”

Dagdag pa ni Manay Lolit, deserve din naman ni Jennelyn ang tunay na pagmamahal at pangangalaga mula sa taong mahal niya.

“Dapat talagang nasa tabi niya ito para suportahan siya at manindigan sa desisyon ginawa nila.

Tila nagpaabot na agad ng pagbati ang batikang kolomnista sa celeb couple.

“Happy days for Jennylyn Mefcado and Dennis Trillo. Best wishes sa tatahakin nilang bagong buhay. A round of applause for their happiness.”

If totoo nga, mabuting antayin na lang natin na kay Jennelyn at Dennis mismo manggaling ang totoong balita.