Home Entertainment Mga suot na alahas ni Heart Evangelista sa Balesin Island milyones ang...

Mga suot na alahas ni Heart Evangelista sa Balesin Island milyones ang halaga

Muli na namang pina-wow ni Heart Evangelista ang mga netizens sa mga mamahaling alahas na suot niya sa Balesin Island.

Kilala si Heart bilang isang sikat na aktres, modelo, endorser ng malalaking kompanya at mamahaling brand.

Sa vlog ng aktres noong October 9, kapansin pansin naman ang mga alahas na suot ni Heart. Naksuot siya ng Cartier bracelets, kwintas, relo at Louis Vuitton sunglasses.

Sa ulat ng PEP.ph, kinwenta nila ang mga acessories na suot ng misis ni Chiz Escudero.

Anim na pares kasi ng Cartier Love bracelets ang makikita sa kaliwang braso ng aktres. Sa upper left part ng kanyang braso ay diamond-paved Love bracelet in yellow gold ang makikita.

Katabi nito ay ang rose gold version ng parehong design.

Upon searching the net, nagkakahalaga ng USD44,500 o PHP2,261,823.75 ang bawat isa sa kanyang mga bracelets.

Sa katabi naman ng rose gold ay makikita ang Cartier’s small diamond-paved 18K yellow gold Love bracelet. Na nagkakahalaga ng $27,400 or PHP1,392,262.50.

Nakasuot din si Heart ng diamond-paved Love bracelet in white gold and ceramic, na may presyong $43,300 or PHP2,173,660.

At ang dalawang huling bracelet na suot niya ay Love bracelet in 18K yellow gold and set with 10 brilliant-cut diamonds at ang maliit na Love bracelet in 18K white gold.

Tinatayang nasa USD16,000 or PHP812,856, and USD4,800 or PHP244,015.20, ang mga halaga ng mga ito.

USD21,700 or PHP1,102,435.95 ang presyo ng kanyang relo at ang kwintas naman ay USD9,700 or PHP492,793.95.

Sa kabuuan halos umabot sa PHP10.7 million ang presyo ng mga suot na alahas ng aktres.