Home Entertainment Jake Ejercito ginulat ang netizens sa sinabi niya tungkol sa kanyang lovelife...

Jake Ejercito ginulat ang netizens sa sinabi niya tungkol sa kanyang lovelife ngayon

Sa kabila ng kanyang “chickboy” aura, mabibilang mo lamang sa isang kamay ang kabuuang bilang ng mga dating nakarelasyon ni Jake Ejercito.

At isa nga sa kanila ay ang aktres at ngayo’y mother of 3 na si Andi Eigenmann.

Apat na taon ang pinagsamahan nina Jake at Andi, at nabibiyayaan sila ng isang anak na babae na si Ellie. Ang napakacute na si Ellie ay turning 10 na ngayong taon.

Bukod sa pag focus sa kanyang unica hija, nais ni Jake na mag-focus din sa kanyang career.

kaysa sa paghahanap nang bagong pag-ibig lalo na na nagsisimula pa lang siya sa kanyang landas sa showbiz.

Ayon sa Marry Me Marry You actor, hindi naman niya masasabing lonely siya ngayon, which is maganda daw para sa isang katulad niya na single.

“Oh, yeah, I’ve been happily single for a while now.”

Dagdag pa niya, hindi rin naman siya yung tipong humahanap ng love, dahil para kanya darating daw ito ang right person sa tamang panahon at pagkakataon.

“I never look for it. Love, for me, I believe it just happens. Right place, right time, right person.”

Nang tanungin siya ng kanyang opinyon tungkol sa LOVE AT FIRST SIGHT, isiniwalat ni Jake na kabilang siya sa mga taong naniniwala na may ganoong bagay.

“Obviously, kasama yung looks. Yun yung first thing na mapapansin mo, e.”

“Kasi if she couldn’t carry a conversation, so paano mangayayari, di ba?”

Siya ang uri ng tao kung saan mas sinusunod ang kanyang puso kaysa sa sinabi sa kanya ng utak.

“Paano ako umasa? It’s funny talking about it, pero when I fall for someone, I kind of fall hard.

“So I will do everything to the point na medyo nagiging unhealthy.”

Dagdag pa nang single dad at gwapong aktor,“Like, there are times I’d fly from London to Manila just to run after a girl. Wala sa plano and without my parents knowing.”

Mukhang very mature itong si Jake Ejercito pagdating sa love and relationship. Ano pong masasabi niyo?