Home Entertainment Ogie Diaz pinagsabihan si Andrea Brillantes tungkol sa pahayag nito na maraming...

Ogie Diaz pinagsabihan si Andrea Brillantes tungkol sa pahayag nito na maraming ‘plastik’ sa showbiz

Isang payo ang ibinigay ni Ogie Diaz para sa young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Sa recent vlog ni Andrea, natalakay ng dalaga ang tungkol sa assumptions tungkol sa kanya.

May netizens kasi na nagsasabing “wala siyang friends sa showbiz” na sinagot ng aktres ng, “Lumaki naman talaga akong walang friends. Hindi na importante sa akin na marami akong kaibigan. Kasi nga believe it or not, alam ko at alam n’yo naman maraming plastic sa showbiz.”

Nang makarating ito kay Ogie Diaz, ito ang naging topic nila ni Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang vlog.

Kinampihan ng talent manager ang batang aktres, aniya, “Huwag kang mag-alala Andrea Brillantes, hindi ka pa ipinanganganak alam kong nagsasabi ka nang totoo. Ha-hahaha!”

Dagdag paliwanag ni Ogie, “Pero actually, masyado lang nama-magnify ang showbiz as parang ang plastik kasi, ’di ba, this is the world of make-believe, ika nga.

“So, parang doble-kara daw ang showbiz. Kasi isang nakangiti, pag talikod nakasimangot o umiiyak. Or isa raw umiiyak pagtalikod acting lang pala, nakatawa pala s’ya. So, ganito rito.

“Sa ibang larangan din meron namang ganu’n. Bakit sa isang opisina ba walang plastik, lahat totoo? Sa politika ba walang plastik, lahat totoo? E, ’di ba, ’yung iba pa nga c0rrupt?

“So gusto ko lang sabihin dito kay Andrea na, ‘anak hindi mo na kailangang ipaggiitan ’yan. Kahit saang larangan, kahit sa school, kahit sa trabaho may plastik,” ani Ogie.

Sinabi rin nito na kahit saang larangan may plastik, at may totoong kaibigan. “Dito sa industriya natin sa showbiz, merong itinatangi kang kaibigan. Meron ding tinatawag na ‘true friends’ and ‘taping friends,’ pahayag pa ni Ogie.

Panoorin dito ang kanilang pag-uusap: