Home Entertainment Ivana Alawi inamin na madalas silang magkausap ni Joshua Garcia sa Instagram,...

Ivana Alawi inamin na madalas silang magkausap ni Joshua Garcia sa Instagram, walang balak i-vlog ang kanyang future boyfriend

Kinumpirma ni Ivana Alawi na naguusap sila ng ultimate crush niya sa showbiz na si Joshua Garcia.

Matatandaan na nabuking na crush ni Ivana si Joshua noong nagdiwang siya ng second anniversary sa YouTube.

Isa nga sa mga pakulo ng kapatid niyang si Mona ay ang compilation ng video greeting. Ng mga malalapit na kaibigan ng aktres pati na rin ang crush nito na si Joshua.

Nang mapanood ni Ivana ang video greeting sa kanya ni Joshua, hindi naitago ng aktres ang kanyang kilig.

Bahagi ng message ni Joshua kay Ivana: “Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe.”

Kaya naman ng makapanayam si Ivana ni Ogie Diaz, isa si Joshua sa naging topic ng kanilang pag-uusap.

Tinotoo ang pag-follow nila sa isa’t isa dahil inamin ni Ivana na may direct messaging (DM) sila ni Joshua sa Instagram.

Pero wala pa sila sa getting to know each other stage or any romantic relationships. Nag-uusap daw sila paminsan as a friend.

Nang matanong tungkol sa posibilidad na ligawan siya ni Joshua sa hinaharap, nakangiting sagot ni Ivana: “Ay itanong nyo na lang siya. Bakit ako? Gusto ko kasing makilala muna siya bago ko kurutin ‘yung sarili ko.”

Samantala, ayon kay Ivana, wala siyang balak na ipakita ang kanyang future boyfriend sa kanyang vlog, maliban kung sigurado na siyang ito na ang lalaking pakakasalan niya.

“I think, ang hirap kasi na bawat may mangyayari na maganda o bawat may manliligaw, iba-vlog mo. It should be kept private and special. For me ha. Kasi ayoko naman iharap agad ‘yung camera sa kanya,” aniya.

Narito ang chikahan nila ni Ogie Diaz: