Home Entertainment “Pwede maging kaibigan ang EX” Toni Fowler proud friends with Rob Moya...

“Pwede maging kaibigan ang EX” Toni Fowler proud friends with Rob Moya at sa bagong girlfriend nito

Toni Fowler, na sa mabuting pagkakaibigan na ulit sa ex-boyfriend na si Rob Moya.

Ito ang proud na pagbabahagi ng vlogger na si Toni Fowler sa kanyang social media.

Matapos ang naging maingay na hiwalayan nila ng vlogger din na si Rob Moya, in good terms na ulit ang dalawa.

Hindi din naging maganda ang kanilang hiwalayan dahil may nga kumalat na screenshots ng conversation ni Rob sa naging “third party” umano ng kanilang relasyon.

Matapos ang ilang buwan, umingay ulit sa social media ang pangalan ng dalawa nang subukang mag sorry ni Rob sa ex-girlfriend.

Sa katunayan, mukhang okay na talaga sila dahil tinulungan pa ni Toni si Rob noong nakaraan sa pag surpresa bagong girlfriend nito.

Kahapon, October 15, muling pinatunayan ni Toni na in good terms na talaga sila ng kanyang former live in partner.

Sa kanyang official Facebook page, nag post si Toni ng larawan kasama si Rob at ang girlfriend niyang si Jennifer Del Rosario.

Caption niya, “Pwede maging kaibigan ang EX.”

Dagdag pa niya, “Pwede mo din maging kaibigan ang bagong GF ni EX basta hindi in3mitida.”

Umani naman ng iba’t-ibang komento si Toni dahil dito.