Home Entertainment Nadine Lustre, lalagay na rin ba sa tahimik? Ama ng aktres, nakipagkita...

Nadine Lustre, lalagay na rin ba sa tahimik? Ama ng aktres, nakipagkita na sa rumored BF nito

Nadine Lustre, lalagay na nga ba sa tahimik kasama ang bagong rumored boyfriend nito?

Tila wala na talagang pag-asa na magkabalikan pang muli ang former couple na si James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay matapos makitang muli na magkasama ang aktres at ang kanyang rumored boyfriend na magka holding hands habang naglalakad palabas sa isang mall.

Para sa mga fans, parang kumpirmasyon daw ito ng kanilang idolo na masya na siya ulit sa bago niyang love life.

Una nang kumalat sa social media ang pictures nila na magkasama sa Siargao. Noong una, nalilink lang siya dito dahil lagi daw silang magkatabi at magkasama na siyang naobserbahan ng mga fans.

Pero ngayon, mas lumalim pa ang haka-haka nang mag post ang tatay ni Nadine na si Ulysses Lustre sa kanyang Facebook account.

Sa naturang post, makikitang magkasama sina Nadine at Christophe. Makikita din ang ama ng aktres na kasama ang rumored couple.

Aniya sa kanyang caption, “Nice meeting you.”

Agad itong nakita ng mga fans at na screenshot ang ngayong post na hindi na makita.

Tila deactivated na ang Facebook account ng ama ni Nadine dahil hindi na ito makita ulit sa social media.

Nadine Lustre, ipinakilala na nga ba si Christophe sa kanyang ama bilang bago niyang boyfriend?