Home Entertainment Bea Alonzo naging emosyonal sa birthday message sa kanya ng kanyang mentor...

Bea Alonzo naging emosyonal sa birthday message sa kanya ng kanyang mentor na si Johnny Manahan: “Very successful career here at GMA”

Bea Alonzo naging emosyonal sa birthday message sa kanya ng kanyang mentor na si Johnny Manahan: “Very successful career here at GMA”

Parehas silang galing sa ABS-CBN Network. Si Manahan ang co-founder at emeritus chairman ng Star Magic— talent arm ng Kapamilya network.

Ngayon ay parehas nang na sa puder ng GMA-7 ang dalawa na hindi maitatangging naging malaking bahagi ng Star Magic noon.

Pormal na pumirma ng exclusive contract ang aktres sa GMA Artist Center noong July 2021. Ngayon naman ay si Manahan na din ang consultant ng talent management arm ng Kapuso.

Sa naging guesting ni Bea sa morning talk show na Mars Pa More, nagkikita sila ng mga hosts na sina Camille Prats at Iya Villania.

Galing din sa ABS-CBN noon ang dalawa kaya ganoon na lang din ang kanilang excitement.

Bilang bahagi ng pa-birthday nila kay Bea, sinurpres nila ito ng mensahe galing kay Mr. M.

Bahagi ng mensahe niya, “And I hope you have a very nice birthday and very successful career here at GMA. Love you.”

Hindi na napigilang maiyak ni Bea dahil espesyal ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Magdiriwang ng kanyang 34th birthday ang aktres bukas, October 17.