Home Entertainment Scarlet Snow Belo, kinagiliwan ng lahat nang hilingin sa kanyang magulang na...

Scarlet Snow Belo, kinagiliwan ng lahat nang hilingin sa kanyang magulang na mamahagi ng pagkain sa mga tao sa lansangan

Muling pinahanga ni Scarlet Snow Belo ang netizens dahil sa kabutihan ng kanyang loob sa kanyang murang edad.

Naging kakaiba ang YouTube vlog ng kanyang mommy na si Dra. Vicki Belo.

Gumawa kasi ng sariling version ang professional Dermatologist ng usong content ngayon sa YouTube na “Saying YES for 24 hours Challenge.”

Sa version nila, may buong 24 hours si Scarlet na hilingin lahat ng gusto niya at puro “YES” lanang ang magiging sagot ng kanyang mommy Vicki and daddy Hayden.

Pero imbes na laruan at kung anu-anong bagay na kaligayahan pang bata ang hilingin ni Scarlet Snow sa kanyang mga magulang, naging kakaiba ang request nito.

Naantig at muling humanga ang maraming netizens sa kanya nang hilingin niyang mamigay ng 30 hamburgers sa mga taong nangangailangan daw ng pagkain sa lansangan.

Paliwanag niya, “I thought of that because, before, there was one person in the street holding a sign ‘HLP I NEED FOOD’.

Nagkwen din si Scarlet tungkol sa isang kapitbahay nilang lalaki sa Paris na binibigyan din daw nila ng pagkain at pera.

Bukod dito, humiling din ng alagang aso si Scarlet.