Home Entertainment Ayon kay Lolit Solis, Bea Alonzo malapit na umanong mag-menopause

Ayon kay Lolit Solis, Bea Alonzo malapit na umanong mag-menopause

Model na ngayon ng isang inumin ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Bea ang video and photo shoot. Kung saan siya ang pinaka bagong calendar girl ng isang brand ng inumin.

Ani ng aktres sa kanyang caption, “The secret is out! I am the TANDUAY CALENDAR GIRL 2022! Woohooo!! Thanks to my Tanduay family for the warm welcome”

Makikita sa nasabing video kung gaano kadaring ang mga pose ng aktres. Puro se’xy din ang kanyang mga outfit.

Kaya naman kakaibang Bea ang nasilayan sa video na iyon.

Samantala, sa episode ng Take It Perminute nina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Mr. Fu. Pinagusapan nila ang tungkol sa pagmomodel na ito ni Bea.

“IIsipin mo, big deal din iyon para kay Bea. Parang ‘tingnan mo,’ at my age,” saad ni Lolit.

At doon na nga nila tinalakay na napakalaking karangalan daw kay Bea ang makuhang calendar girl ng Tanduay. Dahil panay mga se’xy actress at models ang palaging nasa kalendaryo nito.

Dagdag pa umano na may edad na raw ang bagong Kapuso actress. Kaya naman naghulaan ang tatlong host kung ilang taon na nga ba ito.

Ayon pa nga sa kanila, sa edad ni Bea ay dapat nag-aasawa na ito. Dahil malapit lapit na raw na mag-menopause ang aktres.

Ani Lolit, “Malapit na siyang mag-menopause noh, kaya dapat nagaasawa na siya.”

Matapos naman nito ay sinabi ng batikang kolumnista na tatlong aktor lang ang mukhang gustong makatrabaho ni Bea sa GMA.

At ito nga ay sina John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, at Alden Richards.

Narito ang episode ng Take It Perminute: