Home Entertainment Paolo Contis at Yen Santos, Nagdedate Na Nga Ba Talaga Matapos Itong...

Paolo Contis at Yen Santos, Nagdedate Na Nga Ba Talaga Matapos Itong Mapansin Ng Mga Netizen!

Ilang buwan na rin ang nakalilipas matapos maghiwalay ang celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes. Noong mga panahong iyon, matatandaang na-link si Paolo sa kanyang co-star na si Yen Santos. Nahuli rin ang dalawa na magkasamang nagba-bonding sa Baguio, at noong una ay iginiit ni Paolo na ‘as a friend’ lamang si Yen.

Ngunit ‘as a friend’ nga lang ba ang totoong namamagitan sa dalawa? Ito ang tanong na bumabagabag sa mga netizens hanggang ngayon. At mas lalo pang umigting ang usap-usapan patungkol kay Yen at Paolo. Kamakailan lang, napansin ng mga netizens na tila lantaran na ang paglalambingan ng dalawa sa social media!

Sa Instagram, naniniwala ang mga Marites na may secret messages si Paolo at Yen para sa isa’t-isa. Nahuli rin ng mga netizens si Paolo na patagong itinag si Yen sa kanyang Instagram stories. Dagdag pa ng iba, tila laging magka-ugnay ang mga stories ng dalawa, at para bang nagsasagutan sila dito.

Bukod dito, naghinala rin ang mga netizens na nagkaroon ng romantic dinner ang dalawa. Matatandaang kamakailan lang ay nag-celebrate si Yen Santos ng kanyang ika-29 na kaarawan. Nagbahagi siya ng larawan ng set-up dinner table for two sa isang gazebo. Nag-post rin si Paolo ng kanyang selfie sa parehong background.

Dahil dito, ayon sa mga netizens ay tila in a relationship na nga ang dalawa. Dagdag pa ng iba, time is the ultimate truth teller, at lalabas at lalabas rin ang katotohanan kahit gaano pa nila ito pagtakpan.

Sa ngayon naman ay nasa New York si LJ at ang anak nila ni Paolo na si Summer. Ayon kay AJ, kahit isang beses ay hindi man lang sila nagawang kamustahin ni Paolo. Hirit naman ng mga netizens, mukhang wala na talaga itong time para sa kanyang pamilya lalo pa’t busy siya para kay Yen.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.