Home Entertainment Babaeng ginawa ang lahat makuha lamang ninanais na kagandahan nagviral sa social...

Babaeng ginawa ang lahat makuha lamang ninanais na kagandahan nagviral sa social media

Isang babaeng Vietnamese ang nagviral sa social media matapos gawin ang lahat upang makamit ang kagandahang ninanais, hindi daw kasi umubra o naging sapat ang mga pampagandang nabibili lamang sa online market kaya naman ang “Last Hope” daw niya ay ang tinatawag na pagPAPARETOKE.

Kahit na ba, alam niyang samut-saring kuwestiyon at kontrobersiya ang kanyang kakaharapin dahil sa kanyang binabalak na pagpapalit anyo, tiniis o hindi na lamang daw niya ito pinansin dahil na nga sa kagustuhang makuha ang itsurang ninanais niya. Ang kanyang dahilan ay baka sakaling makakuha siya ng magandang trabaho kung magiging maganda daw siya.

Ayon sa kanya, marami beses na daw siyang di natanggap sa trabahong kanyang pinapangarap dahil daw sa kanyang itsura, maging sa Pag-Ibig, ilang beses na din daw siyang nasawi at baka daw dahil sa kanyang itsura kaya wala siyang makuhang lalaki na magmamahal sa kanya. Nakailang gamit na daw siya ng produkto na pampaganda na nabibili online ngunit hindi daw ito umiepekto o di daw niya makuha ang itsurang matagal na niyang pinapangarap.

Kaya dahil dito, nabuo sa isipan niya na gagastos din naman daw siya ng malaking halaga, bakit hindi nalamang siya lumapit sa isang eksperto sa larangan ng pagapaganda, Isang Plastic Surgeon na kung saan maibibigay sa kanya ang kanyang pinapangarap na ganda.

Sa wakas, ng dahil dito ay nakamit na niya ang pinapangarap na kagandahan na kung saan ay pumupukaw talaga ng atensyon ng mga lalaki, ito ay malayo sa kinaaayawan at iniiwasang itsura niya dati, at maging sa social media marami ang nakakapasin sa kanyang kagandahan.

Ayon sa kanya, malaki man ang pinagbago ng kanyang panlabas na kaanyuan, ay hindi naman o walang nagbago sa kanyang panloob na katangian. Kung ano man siya noon, ay ganoon pa din daw siya kahit nagpalit na siya ng panlabas na kaanyuan.

May mga tao talaga na di nakukuntento sa kung ano ang ibinigay sa kanila ng May Kapal, hindi natin sila masisisi at wag natin silang husgahan dahil hindi natin alam kung ano ang kanilang pinagdaanan kung bakit nag nanais sila ng ganon.