Home Entertainment Bagong Kapamilya love team na sina Joshua Garcia ta Jane De Leon...

Bagong Kapamilya love team na sina Joshua Garcia ta Jane De Leon kinakikiligan ngayon ng mga netizens

Hindi pa man din umeere ang Darna TV Series, nagbibigay kilig na ang tambalang Joshua Garcia at Jane De Leon.

Matapos kay Julia Barretto, si Jane de Leon naman ang makaka-love team ni Joshua Garcia. At ngayon pa lang, marami na ang kinikilig sa kanila.

Kapansin pansin umano ang chemistry ng dalawa sa live streaming ng Darna kamakailan. Napansin ng mga netizens na bagay sina Joshua at Jane dahil sa “nice” at “innocent” looks nila. Bagay na kinakakitaan ng malaking potensyal ng publiko.

At ngayon ngang official ng inanunsyo na si Joshua ang magiging leading man ni Jane sa upcoming Darna TV Series ng ABS-CBN. Mrami na ang nag-aabang sa kanilang tambalan.

Samantala, sa nasabing live stream video ng dalawa, kitang kita na komportbale na sila sa isa’t-isa. Kahit pa nga sa simula ng video ay nag-aalangan pa si Jane na pumasok sa dressing room ni Joshua.

Ngunit sa kabuuan ng video ay marami talaga ang kinilig sa kulitan ng bagong Kapamilya love team.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“They look great together. There’s an unusual chemistry that’s really makes these lovebirds very interesting.”

“Hahaha kinikilig ako bagay na bagay … lakas makangiti haha chemistry pala”

“Lakas makachemistry ng dalawa di pa nag uumpisa lock in n silang dalawa”

“Infairness bagay tlga..prang me something ang sweet ng tone nila sa isa’t isa eh! yung pa sweet..ehhehe”

Matatandaan na noon pa man ay maraming netizens na ang nag-pupush na si Joshua ang itambal kay Jane. At ngayon ngang sila na ang official love team ay paniguradong kaabang-abang talaga ito.

Panoorin dito ang kanilang video: