Home Entertainment Bela Padilla inanunsyong sa London na maninirahan, tuluyan na nga bang lilisanin...

Bela Padilla inanunsyong sa London na maninirahan, tuluyan na nga bang lilisanin ang showbiz?

Ibinahagi ng aktres na si Bela Padilla na permanente na ang pag-stay niya sa London.

Kaya naman tanong ng kanyang mga fans, tuluyan na nga bang lilisanin ng aktres ang industriya ng showbiz?

Sa kanyang tweet kahapon, November 24, ibinahagi nga ni Bela na tila nagustuhan na niya ang pamamalagi niya sa London.

Aniya, “So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it!,”

Ayon pa kay Bela, magbabahagi pa siya ng mga karagdagang detalye sa kaniyang paparating na vlog. Kung saan ay sasagutin niya ang lahat ng tanong ng kaniyang followers.

Wala pang sinasabi si Bela kung iiwan na niya ang showbiz pero may pamilya sa UK si Bela.British ang ama ng actress na isa na ring director.

Wala pang sinasabi si Bela kung iiwan na niya ang showbiz pero may pamilya sa UK si Bela.British ang ama ng actress na isa na ring director.

Swiss naman ang boyfriend niyang si Norman Bay na tila masaya sa naging desisyon ng aktres. Ito ay base sa kanyang comment sa post ng aktres at sinabing. “I’m just happy I get to see a lot more nowadays.”