Home Entertainment Caught on Cam: Sachzna Laparan, Isiniwalat ang Mayabang Pulis na Nagwala sa...

Caught on Cam: Sachzna Laparan, Isiniwalat ang Mayabang Pulis na Nagwala sa Isang Restaurant!

Kamakailan lang ay ibinahagi ng social media influencer na si Sachzna Laparan ang naging karanasan nila sa isang restaurant. Dahil lamang sa reserved seats, pinahiya sila ng isang customer at muntik pang manganib ang kanilang buhay. Ayon kay Sachzna, lumipat sila ng upuan matapos agawin ng isang couple ang kanilang reserved seat.

Ngunit nagulat na lamang daw sila ng biglang magalit ang dalawa. Naantala ang masayang hapunan nila dahil bigla na lamang sumigaw ang nasa kabilang table. Maging ang mga manager at staff ng restaurant ay nagulat sa inasal ng dalawa.

“Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table, biglang nagalit. Tinasaan nila ang boses at sinabing, ‘Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko!’ At naglabas ng bungkos ng pera sa bag at hinampas sa table. We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain,” dagdag pa ni Sachzna.

“Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table, biglang nagalit. Tinasaan nila ang boses at sinabing, ‘Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko!’ At naglabas ng bungkos ng pera sa bag at hinampas sa table. We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain,” dagdag pa ni Sachzna.

Napag-alaman rin na pulis pala ang lalaki, at buntis naman ang kasama nitong babae. Patuloy raw ito sa pagsigaw, at dumating sa punto na dinuro niya pa si Sachzna. Noong mga panahong iyon ay natatakot na rin daw siya at ang kanyang mga kasama, dahil umaakma ang pulis na tila may bubunutin sa kanyang bag.

Noong una’y nagdalawang isip pa raw si Sachzna na i-post ang video na ito dahil natatakot siyang makasuhan ng cybercrime law. Ngunit desidido siya na magbigay ng awareness sa ibang tao na maaaring makasalamuha ang pulis na ito. Dagdag pa niya, labis na nagdulot ng trauma sa kanya ang pangyayaring ito.

“If you know this police! Wag nyong tutularan! I posted this video hindi para mag pahiya, kundi para magbigay ng awareness, that this can happen to anyone! Alam ng mga taong nasa resto na yun, kung ano nangyari. Even yung manager, natakot. Dahil sinabi nung Police na ipapaclose nya daw yung resto.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.