Home Entertainment Finally! JOWA REVEAL? Naissue noon na relasyon nila Heaven Peralejo at vlogger...

Finally! JOWA REVEAL? Naissue noon na relasyon nila Heaven Peralejo at vlogger Kimpoy Feliciano, totoo nga pala?

Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo may relasyon na nga ba?

Usap usapan na naman sa social media ang aktres na si Heaven at influencer na si Kimpoy.

Noong nakaraang buwan, una nang naging laman ng social media ang dalawa nang mag upload ng mga larawan si Kimpoy kasama ang dalaga.

Mabilis at mariin naman itong itinanggi ng binata at sinabing magkaibigan lang silang dalawa. Ipinagtanggol niya din ito sa mga netizens.

Ngayon, November 25, muling umingay ang balita na totoong may romantic relationship na ang dalawa.

Dahil ito sa naging birthday greeting ni Kimpoy sa former PBB housemate. Sa kanyang Facebook account, nag upload ng pictures nila na magkasama sa dagat.

Mensahe niya, “Happy birthday to this beautiful soul [white heart emoji] Thank you for coming into my life unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise.”

Mabilis na kumalat ito sa social media at umani ng iba’t-ibang komento. Ayon sa mga netizens, itinanggi pa daw ni Kimpoy noong una.

Tila may laman daw ang naging birthday message nito para kay Heaven na nag celebrate ng kanyang 22nd birthday.

Sa Instagram na parehas na post ng vlogger, makikita na nag comment si Heaven na lalong nagpa ugong ng isyu.

”Luv u forever beh!!!” komento ng rumored girlfriend ni Kimpoy.

Kung matatandaan, kamakailan lang ay nagkaroon din ng sandaliang relasyon si Heaven sa co-star niya noon na si Kiko Estrada na sinasabi namang naging dahilan ng hiwalayan nito sa long time GF noon na sin Devon Seron.

Low key confirmation nga ba ito ng kanilang totoong status?