Home Entertainment Paolo Contis nag-react sa balitang si Yen Santos umano ang nagbayad sa...

Paolo Contis nag-react sa balitang si Yen Santos umano ang nagbayad sa kanilang dinner date

Umalma na ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa mga balita tungkol sa kanila ni Yen Santos.

Kamakailan nga ay nag viral ang mga IG Stories nina Yen at Paolo. Kung saan tila ay magkasama sila sa isang dinner date.

Kapansin pansin kasi na parehas ang ambiance ng mga larawan na kanilang ibinahagi.

Samantala, sa ulat ng PEP.ph, tila kinumpirma na ni Paolo na magkasama nga sila ni Yen. Dahil inalmhan niya ang balitang ang aktres umano ang nagbayad sa kanilang dinner date.

Ayon sa nasabing ulat, halata daw na galit at iritado si Paolo sa mga lumalabas na balita tungkol sa kanila ni Yen.

Lalong lalo na ang tungkol nga sa paggamit umano niya ng credit card na nadecline. Ang balita na iyon ay mula kay Xian Gaza.

“Sino ba nagsulat?” tanong ng aktor.

Sinabi din nito na nakarating na sa kanya ang mga pahayag ni Xian Gaza laban sa kanya. Sa post nito ay sinabi din niya na nung nag-check out sina Paolo at Yen sa isang hotel, doon daw na-decline ang credit card ng Kapuso actor.

“Una sa lahat, hindi ako nagka-card. Kasinungalingan ‘yan. Tapos, pinatulan naman ng iba,” sagot umano ni Paolo.

Ayaw na lang daw niyang pahabain pa ang usapin.

Ayon pa sa ulat ay mukhang may kinakausap ng abogado si Paolo at tila balak na nitong maghain ng reklamo.

Hindi nga lang umano sigurado kung si Xian Gaza nga ba ang kakasuhan ni Paolo Contis.