Home Entertainment Karen Reyes, Nagbigay ng Babala sa mga Nanay Dahil sa Karamdaman ng...

Karen Reyes, Nagbigay ng Babala sa mga Nanay Dahil sa Karamdaman ng Kanyang Anak!

Kamakailan lamang ay kinailangang dalhin sa ospital ang anak ng dating aktres na si Karen Reyes. Kaya naman bilang ina, nagbigay siya ng mahalagang mensahe para sa ibang magulang upang hindi mangyari sa kanila ang dinanas ng kanyang bunsong anak. Ano kaya ang karamdaman nito?

Sa kanyang Instagram post, ibinagi ni Karen ang pinagdaanan ng kanyang bunsong anak. Sa pamamagitan ng kanyang mahabang caption, ibinahagi rin ng dating “Pinoy Big Brother” housemate kung gaano kahirap ang magkasakit ngayong kalagitnaan ng pandemya, lalo na para sa kalagayan ng mga bata.

“November 4, nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang November 5 lunchtime, kumakain pa siya at nakakadede. Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums niya.So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan. So ako na singawin sabi ko mawawala din.”

Ngunit ang inakala niyang lagnat ay iba na pala. Hindi nagtagal ay hindi na rin makainom ng gamot ang kanyang anak. Dahil nakita ni Karen na labis na itong nahihirapan ay saka siya nagdesisyon na dahil ito sa ospital. Doon na rin napagtanto ng mga doktor na kumalat na ang singaw sa buong bibig ng bata.

Ngunit ang inakala niyang lagnat ay iba na pala. Hindi nagtagal ay hindi na rin makainom ng gamot ang kanyang anak. Dahil nakita ni Karen na labis na itong nahihirapan ay saka siya nagdesisyon na dahil ito sa ospital. Doon na rin napagtanto ng mga doktor na kumalat na ang singaw sa buong bibig ng bata.

“Nov 6 I’ve decided na ipa-teleconsult na siya so binigyan siya ng antibiotic. Ang hirap niya painumin dahil una, walang laman ang tiyan niya, pangalawa masakit ang bibig niya! Sa mga mommies out there, ‘wag nating balewalain ang mga mga singaw kahit isang maliit lang yan dahil pwede siya magspread sa bibig since it’s viral.”

Ayon pa kay Karen, ang sanhi ng singaw ng kanyang anak ay ang mababang resistensya nito. Pinayuhan rin daw sila ng doktor na laging painumin ng vitamins ang kanilang mga anak. Sa ngayon ay magaling na ang bunso ni Karen, at labis naman ang pasasalamat niya dahil hindi na ito lumala pa.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.