Home Entertainment Birthday post ni Heaven Peralejo inulan ng samut-saring komento mula sa mga...

Birthday post ni Heaven Peralejo inulan ng samut-saring komento mula sa mga netizens

Muli na naman pinutakte ng mga netizens ang caption ni Heaven Peralejo sa kanyang birthday post.

Hindi maikakaila na isa si Heaven sa pinaka controversial actress sa kanyang henerasyon. Kahit mga simpleng post ng aktres ay talaga namang umaani lagi ng samut-saring reaksyon.

Kahapon, November 25, ipinagdiwang ng Kapamilya actress ang kanyang 22nd birthday. Sa kanyang social media post, ibinahagi ng dalaga ang kanyang larawan.

Suot ang puting maxi dress at may hawak na wine glass sa tabing dagat saad ni Heaven sa kanyang caption.

“22 rotations around the sun and cheers to more

Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming.

Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life!”

Bagamat positibo ang pananaw ng aktres sa kanyang caption, may mga netizens pa din na pumuna sa kanya. Ayon daw kasi sa science ay mali ang description ng aktres.

May isang netizen pa nga ang nag elaborate ng tamang calculation patungkol sa caption ni Heaven.

Narito pa ang ilan sa kanilang komento:

what if hindi ka nag skip ng science class?”

“Science teacher left the group . Happy bday”

“Sis, revolution, Hindi rotation. Pero happy birthday paren”

“Heaven, it’s revolution not rotation. Jusko naman po, yan napapala sa tig dalawang jowa sa isang taon ih. Anyways, Happy 22 days old! Stay gorgeous para more jowa to come.”

Hindi naman bingyang pansi ng aktres ang mga komentong ito ng mga netizens.

At mukhang happy naman si Heaven sa tila magandang pagtitinginan nila ngayon ni Kimpo