Home Entertainment Sa Wakas, Binasag na ni Barbie Imperial ang kanyang katahimikan patungkol sa...

Sa Wakas, Binasag na ni Barbie Imperial ang kanyang katahimikan patungkol sa Issue ng Pisikalan ng kanyang Nobyong S Diego Loyzaga

Sa Wakas, nagbigay na ng kumento si Barbie Imperial patungkol sa issue na nagkasakitan umano sila ng kanyang nobyong si Diego Loyzaga kamakailan lamang sa isang hotel.

Sa exclusive interview sa PUSH, mariing itinanggi ni Barbie na pina6buh’atan siya ng kamay ni Diego. Taliwas umano sa mga kumakalat na balita na isiniwalat ni Xian Gaza.

Nagviral kasi kamakailan lamang sa social media ang larawan ni Diego Loyzaga patungkol sa nabalian umano siya ng daliri dahil daw sa pisikalan o matinding away nila ng kanyang nobya na si Barbie Imperial.

Ayon naman kay Barbie nainjur’ed daw ang daliri ni Diego habang nasa gym ang binata. Itinanggi din ng aktres na si Diego ang may kagagawan kung bakit siya may pa’sa sa braso.

“Walang katotohanan ang sinabi ng tao na ‘yun kahit isa. So parang kami, ‘Ito ang nangyari sa kamay ko ganito ganyan. Kasi ‘yung kamay ni Diegs, sa gym talaga siya nangyari and ako mismo nagdala sa h0spital sa kanya…

“Kasi ang labo talaga na ipag-coconnect mo lang ‘yung photos tapos may ganito lang sa hand, may pa’sa. Bakit? Hindi ba ako pwedeng magkapa’sa sa ibang bagay? Bakit ‘yung boyfriend ko lang na sobrang mabuti, sobrang bait, sobrang tini-treat ako ng maayos. Bakit siya ‘yung paghihinalaan na ginawa niya ‘yun na akin?” ayon kay Barbie.

Pinasinungalingan din ng aktres ang kumakalat na tsismis tungkol sa unfaithful boyfriend niya na si Diego Loyzaga at hindi rin daw umano totoo na may kinikitang ibang babae si Diego.

“And then nu’ng nangyari na may nagta-try na siraan kami na ito daw ginagawa ni Diego, may ganito daw si Diego. Parang, ‘Okay. ‘Yun na ‘yun?’ Parang ‘yun na ‘yung baIa niyo para siraan kami ni Diego?” pagpapaliwanag pa ni Barbie.

Sa kabila ng kontrobersiya at patuloy na paninira sa magkasintahan, patuloy pa ding pinapakita ng dalawa na maayos at masaya at kanilang relasyon.