Home Entertainment Christian Merck Grey emosyonal nang binitawan ang nagpasikat sa kanyang bansag na...

Christian Merck Grey emosyonal nang binitawan ang nagpasikat sa kanyang bansag na “Makagwapo” matapos ang naging isyu sa kanilang tradename

Emosyonal na humarap sa kanyang vlog si Christian Merck Grey kasama ang asawang si Pam Esguerra.

Sa naging vlog niya nitong November 26, hindi mapigilan ng dalawa ang maiyak dahil bibitawan na daw ni Merck ang pagiging “Makagwapo.”

Unang nakilala ang huli sa YouTube vlog dahil sa naging tradename nila ng kanyang ex-girlfriend na si Caffey Namindang na Makaganda at Makagwapo.

Dito nagsimulang makilala ang pangalan ng dalawa noon dahil sa kanilang couple vlogs.

Kahit na naghiwalay na sila, binitbit pa din ni Christian Merck ang kanyang bansag sa sarili. Ngayon na kasal na sila ng asawang si Pam Esguerra, inanunsyo pa ni Merck na pina legal tradename na nila ang Makaganda.

Naging usap usapan pa ito noong nakaraan dahil nag post pa sa kanyang Facebook si Caffey tungkol dito.

Kaya naman sa vlog ni Merck, bibitawan na daw niya ang pagiging Makagwapo para sa kanyang asawa.

“Masakit sakin ‘to. Hindi madali para sakin. Ilang taon ko binuo yung Makagwapo. Ang dami kong pinagdaanan, pangarap ko ‘to, nag-umpisa ako sa wala,” naluluhang sabi ni Merck.

Ayon pa sa kanya, hyanda niya daw bitawan o mawala lahat para sa kanyang misis.

“Para sa ikakatigil ng lahat tsaka para sa pag-protekta ko kay baby, hindi ko na gagamitin yung salitang Makagwapo.”

Makagwapo is officially signing off na nga ba?