Home Entertainment “Makagwapo” No More, Christian Merck Grey labis ang iyak habang ipinapaalam na...

“Makagwapo” No More, Christian Merck Grey labis ang iyak habang ipinapaalam na binitawan na ang kanyang tradename para sa asawang si Pam

Christian Merck Grey emosyonal sa kanyang YouTube vlog kasama ang asawang si Pam Esguerra.

Hindi napigilan maging emosyonal ng YouTube vlogger na si Christian Merck Grey o mas kilalang Makagwapo.

“Masakit sakin ‘to. Hindi madali para sakin. Ilang taon ko binuo yung Makagwapo. Ang dami kong pinagdaanan, pangarap ko ‘to, nag-umpisa ako sa wala.”

Hanggang sa hindi na napilitan ng vlogger ang kanyang emosyon at bigla na lang ito nahagulgol sa iyak gayundin ang asawang si Pam na nasa tabi lamang niya.

“Hindi ko inakalang dadating yung araw na hindi na ako si Makagwapo.”

Nakilala siya noon sa tradename na “Makagwapo” noong nag uumpisa pa lamang siya sa vlogging. Ang kasama pa niya noon ay ang kanyang ex-girlfriend na si Caffey Namindang.

Noong nakaraang linggo lamang, naging usap usapan sa social media ang pag ingay muli ng kanyang ex-girlfriend na si Caffey tungkol sa title na “Makaganda.”

Ito ay matapos mag post si Pam na pina legal tradename na daw ng kanyang mister ang tawag na Makaganda.

Nagbigay babala pa ang asawa ni Merck na handa daw silang kasuhan ang ibang gagamit nito dahil hindi na daw ito pwedeng gamitin ng kahit sino.

Ngayong November 26 naman, nag post ng emosyonal na vlog si Merck tungkol dito.

Ayon sa kanya, binibitawan na niya ang kanyang sumikat na bansag sa sarili na Makagwapo. Para daw ito sa katatahimik ng lahat at para sa kanyang asawa.

Handa daw siyang mawala ang lahat wag lang ang kanyang pamilya.

Sa kabilang banda, palaisipan naman ngayon sa netizens kung final na ba ang desisyon na ito ni Merck dahil dito siya unang nakilala.

Ang nasabing video ay umabot na ngayon sa mahigit 556k views sa Youtube as of this writing. Samantalang ang Facebook page naman ni Christian ay may 556k followers din.

Makagwapo no more na nga ba talaga?