Home Entertainment Napakagandang pamangkin ni Nico Bolzico na si Josefina Bolzico agaw atensyon ngayon...

Napakagandang pamangkin ni Nico Bolzico na si Josefina Bolzico agaw atensyon ngayon sa social media

Matapos ni Nico Bolzico na asawa ni Solenn Heussaff, isang Bolzico na naman ang gumagawa ng ingay ngayon online.

Ito ay walang iba kundi ang napakagandang pamangkin ni Nico na si Josefina Bolzico.

Si Josefina ay sumunod dito sa bansa sa kanyang uncle Nico, upang i-pursue ang kanyang modelling career.

Si Fina ay nakapirma sa Chameleon International Models Management. Nais niya pang mapalawig ang kanyang career kaya naman sinundan niya ang yapak ni Nico na naninirahan na sa Pinas ng anim na taon.

Ang napakagandang dalaga na ito ay 20 years old na ngayon at mya vital statistic na 34-25-35. 5’6 ang kanyang height na perfect talaga para sa isang model.

2016 pa nagsimula si Fina sa pagmomodel, at nang pumunta siya sa bansa ay agad siyang napamahal sa mga beaches dito.

Ayon pa nga sa isang IG post ng dalaga ay kumbinsido siya na belong talaga siya dito sa Pilipinas. Aniya, “Every day I am more convinced that the Philippines is where I belong. It’s people makes this country the best place I have ever been! I am so happy to be here!”

Endorser na rin ngayon si Fina ng sikat na brand na Human, L’Officiel Manila at napasabak na din siya sa Bench Fashion Week noong 2018.

Sa mga larawan ngang ibinabahagi niya online ay mapapatunayan na kasing ganda din siya ng misis ni Nico na si Solenn.