Home Entertainment Andrea Brillantes hindi nakapagtimpi, sinupalpal ang netizen na kumekwestyon sa pagda-drama niya...

Andrea Brillantes hindi nakapagtimpi, sinupalpal ang netizen na kumekwestyon sa pagda-drama niya sa TikTok

Isang ‘Marites’ na naman ang nakatikim ng sagot mula sa iniintriga nilang celebrity.

Hanggang ngayon nga ay mainit ang usapin tungkol kina Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Seth Fedelin.

Nag-umpisa ang lahat ng ito dahil sa post ng netizen na si Justin Chua. Kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng deleted post ni Francine.

Ang nasabing post na iyon ay ang larawan na kasama ng kanyang pamilya si Seth.

Makatapos na mag-viral nito ay agad nang pinag-usapan ng mga netizens.Kung ano nga ba ang tunay na namamagitan kina Francine at Seth.

Gayung ang alam ng publiko na ka-love team ng batang aktor ay si Andrea. Sa kanilang mga larawan at videos sa social media ay makikita na iba din ang kanilang samahan.

Ayon pa nga sa dating interview kay Andrea sinabi niyang special friend niya si Seth. At hindi umano siya papayag na may ibang liligawan ito.

Kaya naman sa pagviral ng larawan nina Seth at Francine ay tila naging sad girl itong si Andrea.

Nagpost agad siya ng video sa TikTok kung saan malungkot ang tema ng background music na kanyang sinasabayan sa pagkanta.

Samantala, may isang netizen naman ang hindi nagustuhan ang post ni Andrea. Sa comment section saad ng nasabing netizen, “usap muna bago drama sis”

Hindi naman nakapagtimpi si Andrea at agad sinupalpal ang netizen na tinawag pa niyang ‘tsismosa’

Tila gigil na sagot ng young Kapamilya actress, “Ikaw na chismosa ka, wag kang umasta na parang alam mo lahat at alam mo kung bakit ako nag d-drama. Yan ang problema sainyong mga chismosa eh”

Sa ngayon ay nananatili namang tahimik sina Francine at Seth ukol sa viral photos nila together.