Home Entertainment Tom Rodriguez nagiwan ng isang cyrptic post na nagpainit lalo sa issue...

Tom Rodriguez nagiwan ng isang cyrptic post na nagpainit lalo sa issue ng hiwalayan kay Carla

Nagulat ang lahat matapos lumabas ang issue tungkol sa umano’y hiwalayan ng bagong kasal lamang na sila GMA stars Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ikinasal ang long time couple noon October 23 noong nakaraang taon. Isang heartfelt church wedding ang naganap na ikinatuwa ng kanilang mga followers.

Ngunit tatlong buwan matapos ang napakagandang kasal, biglang lumabas ang usap usapan na hiwalay na umano sila.

Nagsimula ang issue, matapos mapansin ng mga netizens na hindi na naka follow ang magasawa sa kani-kanilang social media accounts.

Ngunit kalaunan ay napansing nag follow muli sila sa bawat isa.

Dahil dito, nagalala ang kanilang mga fans na baka may matinding pinagdaraan sila Tom and Carla, lalo na’t ilang buwan pa lamang sila nakakasal.

Mas lalong naging palaisipan sa kanilang mga fans ang current situation ng couple sa recent post ni Tom sa kanyang IG.

Isang crypyic post kung saan nagbahagi siya ng video na may text na .float ay makahulugang audio.

Maririnig ang spiels mula sa isang eksenang kuha sa Cowboy Bebop. Ito ay ang anime series na nilikha ni Shinichiro Watanabe noong 1998. Maririnig sa audio ang pag-uusap ng karakter na sina Faye at Spike tungkol sa pag-alis ni Spike.

Base sa audio, may dialog ang babae na sinasabing,

“now you’re leaving just like that, why do you have to go..”

Sagot naman ng male voice,

“I’m not going there to d!e. I’m going to find out if I’m really alive,”

Patungkol kaya ito sa kasalukuyang pinagdaraanan ng mag-asawa.

Anim na taon naging magkasintahan sina Tom Rodriguez at Carla Abellana bago sila magdesisyon na magpakasal nung nakaraang taon.