Home Entertainment Joshua Garcia sumagot sa payo ni Julia Barretto na ‘wag muna siya...

Joshua Garcia sumagot sa payo ni Julia Barretto na ‘wag muna siya mag-girlfriend

Hindi napigilan ng aktor na si Joshua Garcia na mag react sa naging payo sa kanya ni Julia Barretto.

Nito lamang ay naging mainit na usapin ang payo sa kanya ng aktres na ‘wag muna siyang mag girlfriend. Kung iisipin ay maganda naman ang mungkahi at ang ibig ipahiwatig rito ng aktres.

Mas makakapagfocus kasi si Joshua sa kanyang career at sa lahat ng oportunidad na dumarating sa kanya. Kapag nga naman nagkaroon na ng karelasyon ay maari ng mahati ang oras nito sa trabaho sa makakarelasyon niya.

May ilang mga fans ang nagsabing pala desisyon umano ang dalaga at iniisip nilang gagawin lang niyang reserba ang dating nobyo kung sakaling maghiwalay sila ng boyfrien niya ngayong si Gerald Anderson.

Kung kaya’t hindi rin nagtagal ay nagbigay rin ng kanyang sagot si Joshua tungkol payo sa kanya. Ayon sa binata, wala naman daw kaso sa kanya ang naging payo ng kanyang dating nobya dahil magpasahanggang ngayon ay mabuti parin silang magkaibigan.

“Lagi niyang sinasabi sa akin yun pag nagkikita kami. Sabi ko sa kanya, ‘Bakit ikaw lang ang puwede?’” Saad ng aktor sa isang panayam.

“Okay naman. Sa ngayon kasi ang daming magandang nangyayari sa taon ko, e. Parang kusang dumarating ang trabaho.”

“Yung love life, hindi ko sinasarado yung sarili ko dun, e. Pag may dumating, parang smooth, parang okay kami, parang same wavelength kami, okay kami. Kung darating, darating, hindi naman kailangang magmadali.”Pagpapatuloy ni Joshua.

Ayon pa sa Kapamilya leading man, lahata umano ng kanyang naging ex ay naging kaibigan niya kaya hindi na malabong maging magkaibigan din sila ni Julia.

Inamin din n Joshua na masaya sya para kay Julia dahil sa magandang takbo ng lovelife nito.