Home Entertainment Susan Roces at FPJ, Magkasama Nang Muli!

Susan Roces at FPJ, Magkasama Nang Muli!

Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces ngayong Huwebes, Mayo 6, 2022. Inihatid ang kanyang mga labi sa Manila North Cemetery mula sa kanyang burol sa Heritage Park sa Taguig. Itinabi ang mga labi ni Susan sa kanyang yuma0ng asawa na si Da King Fernando Poe, Jr.

Nasaksihan ng pamilya, kaanak at kaibigan ang paglibïng kay Susan sa pangunguna ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe. Upang matiyak ang seguridad at daloy ng trapiko sa naturang lugar ay nagtalaga ng 200 pulis sa loob at labas ng sementeryo.

Sa huling lamay nitong Mayo 25 ay nakadalaw pa si Pangulong Rodrigo Duterte upang magbigay-pugay sa namayapang aktres. Noong Martes naman, Mayo 24, bumisita naman si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kasama ang asawang si Liza Araneta Marcos.

Namayapa ang premyadong aktres dahil umano sa sakit sa puso noong Biyernes ng gabi, Mayo 20.