Home Entertainment Zeinab Harake, nagbitaw ng maaanghang na salita online, “Wala ka nang sugar...

Zeinab Harake, nagbitaw ng maaanghang na salita online, “Wala ka nang sugar mommy”

Nagpost nanamang muli ang kontrobersyal na vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang twitter account. Sa kanyang post, ay maaanghang na salita ang tangi niyang binitawan.

Tila ito ay para sa isang personalidad ngunit wala naman siyang binitawang pangalan sa nasabing post.

Ayon sa mismong tweet ni Zeinab. “WALA KA NG SUGAR MOMMY IKAW NA ANG SUGAR DADDY AY DI KA PALA DADDY DI BAGAY SAYO SUGAR GOAT NA LANG”

Ngunit kahit walang binanggit na pangalan ang vlogger sa kanyang tweet ay may mga netizens na nagsasabing alam nila kung sino ang pinapasaringan ng dalaga.

Ito ang long time partner niya na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee. Alam ng lahat na dumadaan ag dalawa sa matinding issue ng hiwalayan.

Hindi maganda ang kanilang naging hiwalayan at matitindi din talaga ang mga batuhan ng mga salita sa isat isa.

Matatandaang nagtrending din ang naging interview ni Zeinab sa Toni Talks kung saan ay isiniwalat ni Zeinab ang pinagdaanan ng relasyon nilang dalawa.

Kahit na matitindi ang pasaringan ng dalawa sa social media ay tikom parin naman ang bibig ng dalawa kung sino nga ba ang pinapatamaan nila sa kani-kanilang mga posts.

Basahin ang mismong tweet ni Zeinab.